Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi matapos ang pagtama ng magnitude 7 na lindol sa Abra.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal, umakyat na ngayon sa sampung ang bilang ng kumpirmadong patay sa lindol matapos na matagpuan ang bangkay ng apat na nawawala sa Sitio Cayaddacad sa bayan ng Luba.
Ang mga ito ay nailibing ng buhay sa naganap na landslide matapos ang lindol.
Base sa report ng NDRRMC, umabot na sa 136 ang bilang ng mga nasugatan mula sa Ilocos, Cagayan at Cordillera.
Kabuuang 79,260 katao o 19,486 pamilya mula sa 246 barangay sa Ilocos at CAR ang apektado ngayon ng lindol.
Nasa 1,583 kabahayan naman ang nasira kung saan 1,535 ang partially damage habang 48 tuluyan nang nasira sa Ilocos at CAR.
Sa ngayon ay umabot na sa P48.3 million ang naitalang pinsala ng lindol sa Ilocos, Cagayan, at CAR.