Mas mahigpit na seguridad sa Lamitan, Basilan, ipinag-utos ni DILG

Ipinag-utos ni Department of the Interior and Local Government (DILG) SA Philippine National Police (PNP) na higpitan pa ang ipinatutupad na seguridad sa Lamitan City, Basilan kasunod ng pagpatay sa retiradong pulis na si Rolando Yumol.

Ayon kay DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr., ito ay para pigilan ang pagtakas ng mga suspek sa naturang krimen.

Si Rolando Yumol ang ama ng suspek sa Ateneo shooting incident na naganap noong Linggo.


Patuloy aniya ang imbestigasyon sa kaso ng nakatatandang Yumol.

Samantala, hinimok naman ni Abalos ang publiko na makipagtulungan sa pulisya, sakaling may impormasyon na makatutulong sa pagresolba ng kaso.

Facebook Comments