National public school database, isinusulong sa Senado

Photo Courtesy: PTV4

Pinalilikha ni Committee on Basic Education Chairman Senator Sherwin Gatchalian ang Department of Education (DepEd) ng database ng mga pampublikong paaralan.

Tinukoy ng senador na ang mga pisikal na dokumento ay madaling masira o kaya ay pwedeng mawala bunsod na rin ng hindi maayos na pagtatago nito o kaya naman ay mga aksidente tulad ng sunog, baha at iba pang sakuna.

Sa inihaing Senate Bill 478 o Public School Database Act ni Gatchalian ay minamandato ang DepEd na bumuo, mag-operate at mag-maintain ng National Public School Database.


Ang nasabing database ay naglalaman ng impormasyon ng mga mag-aaral tulad ng grado sa paaralan, personal data, good moral record, at improvement tracking.

Kung matitipon ang school records ng mga estudyante sa isang database ay mapepreserba ang mga mahahalagang dokumento at mapapadali ang pagaccess sa mga records ng mga guro, estudyante at school administrators.

Pinatitiyak ni Gatchalian sa DepEd ang security at confidentiality ng mga impormasyon sa database at sumusunod sa probisyon ng Data Privacy Act of 2012.

Facebook Comments