NCR plus bubble at iba pang lugar, isasailalim sa MECQ simula April 12 hanggang April 30

578

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailaim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna simula bukas (April 12) hanggang April 30.

Ayon kay kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, kasama rin sa mga inaprubahang isailalim sa MECQ ang Santiago City, Isabela, Quirino province at Abra.


Ilalagay naman sa General Community Quarantine (GCQ) ang buong Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Tacloban City, Iligan City, Davao City at Lanao del Sur.

Habang mananatili sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang nalalabing bahagi ng bansa.

Facebook Comments