Resort sa Cauayan City, Inireklamo; Nagreklamo, Kakasuhan

47

Cauayan City, Isabela- Itinanggi ng pamunuan ng isang resort na may itinatago silang indibiwal at ginagamit ito sa pagbebenta ng panandaliang aliw.

Ayon kay Henry Gammad, may-ari ng TRIPLE H Resort and Hotel na matatagpuan sa Brgy. Buena Swerte, sa Lungsod ng Cauayan, lehitimo at malinis aniya ang kanilang negosyo at walang bahid ng kalaswaan taliwas sa bintang ng isang nagpakilalang John Mike Molino na nasa kalakhang Maynila.


Una rito, humingi si Molino ng tulong sa 98.5 iFM Cauayan sa pamamagitan ang facebook page ng station upang natunton ang umano’y kapatid nito na nagtatrabaho sa naturang establisyemento at ibenebenta umano ang katawan para sa mga parokyano ng resort.

Ayon sa nagpakilalang John Mike Molino, matagal na nilang hinahanap ang kanyang kapatid matapos na maglayas at sumama sa kaibigan hanggang sa mapadpad sa Cauayan City na kalaunan sa ginawang pagsisiyasat ng iFM ay lumalabas na ASAWA nito taliwas ito sa unang sinabi na kapatid niya ang Ginang na nakilala lamang sa pangalang Manilyn Pastera Mendoza.

Dahil dito, pinag-aaralan ni Ginoong Henry Gammad ang posibilidad na pagsasampa ng kaukulang kaso laban kay John Mike Molino dahil sa maling paratang at paninira sa kanilang negosyo.

Facebook Comments