Mahigpit na ipinatutupad ngayon ng Cainta Rizal Government matapos ang Ordinansa na ipinasa ng pamahalaang lokal ng Cainta, Rizal, ang ‘No Face Mask, No Face Shield, No Entry’ policy sa mga palengke at iba pang establisyemento.
Ayon kay Cainta, Rizal Mayor Keith Nieto sa Cainta Public Market, obligadong magsuot ng face shield ang mga mamamalengke upang maiwasan na mahawaan ng COVID-19.
Paliwanag ng alkalde, kapag wala silang suot, sinisita sila ng mga bantay at pinabibili ng face shield sa labas ng palengke kung saan sapilitan silang napapabili kahit na mas mataas sa normal ang presyo ng face shield na ₱50 ang bentahan ng face shield.
Kapansin-pansin na rin sa Ortigas Avenue Extension sa Cainta, Rizal na may ilang maliliit na establisyemento na ‘No Face Mask, No Face Shield, No Entry’ na rin ang patakaran.