Non-COVID-19 vaccination rate sa mga sanggol at bata, nananatiling mababa

Mababa pa ang non-COVID-19 vaccination rate sa hanay ng mga sanggol at bata sa halos lahat ng rehiyon at probinsiya sa bansa.

Ayon kay National Immunization Program Dr. Joannah Kaye Borallo, kasama sa pinag-uusapang bakuna ay oral polio vaccine at bakuna para sa pneumonia, measles o tigdas, at iba pa.

Aniya, lahat ng rehiyon ay mayroong kaso ng tigdas kung saan karamihan dito ay sanggol na edad 6 hanggang 59 na buwan ay hindi bakunado o hindi alam ang vaccination status.


Dagdag pa ni Borallo na nasa halos 5,000 hanggang 10,000 ang mga sanggol ang hindi nabakunahan sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Dahil dito, tututukan ng Department of Health (DOH) ang Chikiting Bakunation Days na magsisimula na bukas, Abril 28 at mayroon din sa huling Huwebes at Biyernes ng Mayo at Hunyo kung saan maaaring pabakunahan ang mga batang hindi nabakunahan dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments