DILG, aminadong malaking hamon ang paglabas ng 60-M botante sa eleksyon

60

Aminado ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na isang malaking hamon sa gobyerno ang paparating na May 9, 2022 national at local elections.

Ayon kay DILG secretary Eduardo Año, isang napakalaking hamon sa gobyerno ang paglabas ng nasa 60 milyong Pilipino para sila ay makaboto.

Aniya, ngayon pa lang na panahon ng kampanya ay nakikita na nila kung paano dumadagsa ang mga tao sa mga campaign rallies.


Gayunman, tiniyak ni Año na masusunod ang minimum public health standards at protocol sa araw ng eleksyon.

Facebook Comments