Occupancy rate sa mga district hospital sa lungsod ng Maynila, bumaba na ng higit 40%

Bumaba na sa 46% ang occupancy rate sa anim na district hospital sa lungsod ng Maynila.

Sa datos mula sa Manila Local Government Unit (LGU), bumaba sa 226 ang bilang ng mga okupadong kama mula sa 494 na inilaan na COVID-19 beds.

Ang Gat Andres Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Ospital ng Sampaloc at Sta. Ana Hospital ay nasa higit 30% ang capacity habang nasa higit 40% nanan sa Ospital ng Maynila.


Ang Justice Jose Abad Santos General Hospital ay pumalo sa higit 70% ang occupancy rate kung saan 52 mula sa 68 ang okupado ng mga covid patient.

Nasa 23% naman ang occupancy rate ng quarantine facility para sa COVID-19 positive cases katumbas ito ng 156 na mga okupadong kama mula sa 693-bed capacity.

Bumaba rin sa 72% ang occupancy rate ng Manila Covid field hospital kung saan nasa 248 na kama ang okupado mula sa 344-bed capacity na inilaaan ng lokal na pamahalaan.

Facebook Comments