Pasig River Ferry Service balik operasyon na sa lunes, ayon sa MMDA

61

 

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magbabalik operasyon na sa Lunes Enero 17, 2022 ang Pasig River Ferry Service (PRFS).

Ito’y matapos na pansamantalang isuspende ang operasyon ng PRFS mula Enero 12, Miyerkules hanggang Enero 15, Sabado.

Ayon sa pamunuan ng MMDA, pansamantalang isinara ang mga ferry stations ng PRFs upang magsagawa ng masusing paglilinis at disinfection ng mga pasilidad nito.


Upang matiyak nila na ligtas itong gamitin ng mga pasahero kontra COVID-19.

Kaya naman humuhingi naman ng pangunawa ang pamunuaan ng MMDA sa mga apektadong pasahero.

Facebook Comments