October 31, idineklarang special non-working holiday ng pangulo

Pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang isang proklamasyon na nagdedeklarang special non-working holiday ang October 31, 2022.

Ito ang kinumpirma ni Office of the Press Secretary Officer-In-Charge Usec. Cheloy Garafil sa press briefing sa Malacañang.

Aniya, layunin ng pagdedeklara ng pangulo ay upang mas magkaroon ng oras sa pamilya ang mga nagtatrabahong Pilipino at para mas ma-promote ang local tourism ng bansa.


Una nang idineklara ng Pangulo na special non-working holiday ang November 1 o All Saints’ Day.

Kaya naman dalawang araw na magkasunod ang special non-working holiday na October 31 at November 1.

Facebook Comments