Pamilya Mabasa, nagpasalamat sa PNP kasunod ng pagsuko ng gunman sa Percy Lapid killing

Nagpasalamat ang Pamilya Mabasa sa Philippine National Police (PNP) kasunod ng pagsuko ng gunman sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Ayon sa kapatid nitong si Roy Mabasa, umaasa sila na ang development na ito sa kaso ay magreresulta ng pagtukoy, pag-aresto at pagpaparusa sa mastermind sa krimen.

Umaasa aniya ang kanilang pamilya na hindi mapapabilang si Lapid sa statistics ng mga pinatay na journalist na hanggang ngayon naghahanap pa rin ng hustisya at hindi nareresolba ang kaso.


Nabatid na halos 200 journalist na ang napatay sa bansa mula 1986.

Facebook Comments