OFW Pass na nagamit bilang exit clearance, umabot na sa mahigit 21-K

Iginiit ng Department of Migrant Workers (DMW) na pumalo na sa 21,475 ang mga OFW Pass na nagamit bilang exit clearance sa bansa simula nang ipinatupad ang pilot testing dalawang buwan na ang nakalilipas.

Ayon sa DMW pinakamaraming exit pass sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagamit ay ang United Arab Emirates (UAE), Qatar at Hong Kong.

Samantala, naitala naman sa Pilipinas, UAE at Kingdom of Saudi Arabia ang pinakamaraming download ng DMW Mobile App.


Patuloy namang sinisikap ng DMW na tugunan ang mga technical problem na nararanasan ng mga OFW sa paggamit ng OFW Pass.

Facebook Comments