Tiniyak ni Landbank of the Philippines President and CEO Cecilia C. Borromeo na malaki ang maitutulong sa pag-improve ng serbisyo sa kanilang mga constituents at komunidad ng inilaan ng banko na 10 billion pesos na pautang sa Local Government Units (LGUs).
Partikular ang RISE UP LGUs o Restoration and Invigoration Package for a Self-sufficient Economy towards Upgrowth for LGUs kung saan maaaring maka-avail ng loan ang provincial, city at municipal LGUs.
Ang halaga na maaaring ma-loan ng LGUs ay nakadepende sa project requirements at hindi maaaring lumagpas sa net borrowing capacity ng bawat Bureau of Local Government Finance (BLGF) computation/certification.
Tiniyak din ng Landbank na affordable ang interest rate ang kanilang ipapataw sa loan na 4.5% per annum sa unang taon at ang mga susunod na taon ay depende sa repricing ng bangko sa interest rate.
Ang loan na maaaring makuha ng LGUs ay pwede nilang magamit sa kanilang mga programa at proyekto sa basic and support services, social welfare and healthcare, at iba pang infrastructure activities gayundin sa pagpapalago ng agrikultura sa kanilang nasasakupan.
Ang kailangan lamang gawin ng mga interesadong borrowers na LGUs ay tumawag sa pinakamalapit na Landbank Lending Center o branch sa buong bansa o tumawag sa Landbank’s customer service hotline sa (02) 8-405-7000 o sa PLDT Domestic Toll Free 1-800-10-405-7000.