Pag-amyenda sa Dangerous Drugs Act, inihihirit ng DOJ

Inihihirit ng Department of Justice (DOJ) na repasuhin at amyendahan na ang Dangerous Drugs Act.

Ayon kay Justice Undersecretary Jesse Andres, isa sa pangunahing layunin ng pagrebyu sa batas ay mabawasan ang bilang ng mga nakulong ng dahil sa kaunting droga na nakumpiska sa kanila.

May mga tao kasi aniyang kinasuhan ng non-bailable offense o hindi pinapayagang makapagpiyansa kahit na kaunti lang ang nasamsam na droga mula rito.


Dagdag pa ni Andres, sa nakalipas na dalawang taon ay nasa 70,000 katao ang kinasuhan at nasa bilangguan dahil sa iligal na droga.

Kaugnay nito, target ng DOJ na mag-organisa ng hiwalay na drug summit at hikayatin na dumalo ang local stakeholders’ para sa panukalang pag-amyenda sa Dangerous Drugs Law.

Samantala, imungkahi rin ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) ang pagkakaroon ng alternatibo sa pagkakakulong para sa minor drug offenses tulad ng health-oriented approach.

Facebook Comments