Pag-amyenda sa Oil Deregulation Law, muling tatalakayin sa Kamara

Isasalang muli ngayong araw sa pagdinig ng House Committee on Energy ang mga panukala na naglalayong amyendahan ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998.

Aabot sa walong bills at tatlong resolusyon ang inihain sa Kamara na nagpapa-amyenda sa Republic Act 8479.

Partikular na isinusulong dito ang pag-institutionalize ng minimum inventory requirements para sa mga produktong petrolyo para matiyak ang sapat na supply.


Tatalakayin din ang unbundling ng presyo ng langis sa bansa para malaman ang break down o batayan sa pagpepresyo ng mga produktong petrolyo.

Ngayong araw pinakamataas ang price adjustment sa serye ng oil price hikes kung saan higit P13 ang itinaas sa kada litro ng diesel, higit P7 sa gasolina at higit P10 sa kerosene.

Facebook Comments