Pag-aresto sa 6 na indibidwal sa gitna ng Labor Day rally sa US Embassy kanina, kinondena ng iba’t ibang grupo

Tinawag na “iligal” ng ilang mga grupo ang ginawang pag-aresto ng Manila Police District (MPD) sa anim na indibidwal sa kalagitnaan ng kilos-protesta sa US Embassy ngayong Labor Day.

Positibong kinilala ng UP Manila Student Council na estudyante ng College of Arts and Sciences ang isa sa inaresto kanina.

Kasunod nito, nanawagan ang student council sa pamunuan ng University of the Philippines at UP Manila na magbigay ng suporta sa pag-aresto.


Ginagawa lamang daw ng mga ito ang kanilang karapatan na magprotesta sa ilalim ng batas.

Pero sa panig ng Manila Police District, una nang sinabi ni MPD Spokesperson Major Philipp Ines na ang mga ito ang nagpumilit na pumasok sa US Embassy kahit na wala naman silang permit para mag-rally.

Nahaharap sa patung-patong na kaso ang anim na indibidwal kabilang ang isang babae dahil sa mga paglabag nila sa Batas Pambansa No. 880 o Public Assembly Act.

Samantala, hinahanap naman ngayon ang mga indibidwal na nasa likod ng pagsusulat sa sasakyan ng MPD dahil sa ginawang vandalism.

Facebook Comments