Pag-poste ng Chinese vessels sa ating mga karagatan, istratehiya na ng China para tuluyang angkinin ang teritoryo – maritime expert

Posibleng unti-unti nang makuha ng China ang kanilang mga inaangking teritoryo sa tinatawag na nine-dash line.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Director Professor Jay Batongbacal na ito ang istratehiya ng China ngayon lalo na’t hindi naman sila umaalis sa mga karagatang sakop ng Pilipinas.

Ayon kay Batongbacal, kahit wala pang itinatayong istruktura ang China ay tila nagiging sakop na rin ng mga ito ang ilang inaangking teritoryo dahil maraming mga barko na nila ang nakapaligid.


Interesado rin aniya ang China hindi lamang sa mga isla kundi sa mga bahura o reefs at mga bato na maaari nilang gamitin.

Matatandaang una nang nagkasagutan sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at ang Chinese Embassy matapos nito paalisin ang mga Chinese vessels na nasa Julian Felipe Reef habang iginiit naman ng China ang kanilang pag-angkin sa teritoryo.

Facebook Comments