Bisita sa birthday celebration, tinaga ng celebrant matapos magkainitan habang nag-iinuman

18

Altavas, Aklan – Patuloy ngayon na ginagamot sa hospital ang 28-anyos na lalaki matapos tagain ng birthday celebrant kahapon sa Brgy. Cabugao, Altavas, Aklan. Base sa report na nangyari ang insidente matapos na magkaroon ng mainitang pagtatalo ang 16-anyos nga suspek na may birthday at ang 28-anyos nitong bisita habang nag-iinuman kasama ang iba pa nilang mga bisita. Umuwi ang biktima pero bumalik ito at may dala nang itak kung saan tinangka nitong tagain ang suspek pero agad itong nakakuha ng itak at tinaga ang biktima ng dalawang beses sa balikat. Nag responde sa lugar ang Altavas PNP at agad namang nahuli ang suspek kung saan ituturn-over ito sa DSWD dahil sa menor de edad.

Facebook Comments