Pagbaba sa Alert Level 3 ng Metro Manila, suportado ni Health Sec. Duque

Pabor si Department of Health Secretary Francisco Duque III na ibaba na sa Alert Level 3 ang Metro Manila.

Ayon kay Duque, ang pagbaba ng alert system sa National Capital Region (NCR) ay ibabase sa mga data.

Aniya, bukas, Oktubre 14 ay nakatakdang magpulong at magdesisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) para sa alert level na ipatutupad sa rehiyon.


Maliban kay Duque, nagpaabot din ng suporta sa pagpapababa ng alert level system ang Metro Manila mayors para makapagbukas na rin ang iba pang naapektuhang negosyo sa ilalim ng Alert Level 4.

Facebook Comments