Pagbuo ng farm to road masterplan para mas mapalakas ang food security, pinatututukan ni Pangulong Marcos sa DA

Inutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga opisyales ng Department of Agriculture (DA) na gumawa ng Farm to Market Road masterplan na magsisilbing guide ng pamahalaan sa pag-promote ng food security.

Sa kaniyang meeting kahapon sa DA, kung saan siya mismo ang kasalukuyang pinuno, sinabi ng pangulo sa mga DA officials na dapat ay nakapaloob sa masterplan ang regional maps na nakasaad ang eksaktong lokasyon ng gagawing farm to market roads.

Ayon sa pangulo, ang masterplan ay dapat na mapag-aralang mabuti ng DA at dapat na maiprisenta sa economic managers ng bansa.


Kailangan din aniyang nakapaloob sa plano ang funding source, payment terms, at time frame ng proyekto kung kailan matatapos.

Nais rin ng pangulo na magkaroon ng official development assistance-funded o ODA projects na itatayo sa mga priority areas.

Bukod sa DA, inatasan din ng pangulo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na makipagtulungan para sa implementasyon ng farm to road projects.

Prayoridad na areas naman para proyekto ang mga areas na may active agricultural production para ma address ang concern sa supply chain.

Facebook Comments