PBBM, hinikayat ang mga PIlipno na manood ng kaniyang SONA sa July 25

132

Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga Pilipino na pakinggan ang kaniyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes (July 25, 2022).

Sa post sa Facebook page ng pangulo, iniimbitahan nito ang mga Pilipino na pakinggan ang Estado ng bansa, at mga plano at mithiin ng kaniyang administrasyon para sa Pilipinas.

Matatandaan na una na ring sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang lalamanin ng talumpati ni Pangulong Marcos ay ang Fiscal Framework ng kaniyang administrasyon.


Kabilang dito ang target ng gobyerno na maibaba sa 60% ang national debt ng Pilipinas sa 2025.

Facebook Comments