Pagdedeklara sa November 2, December 24 at 31 na special working holidays, ipinarerekunsidera kay Pangulong Rodrigo Duterte

Ipinarerekunsidera ni House Committee on Labor and Employment Chairman at 1-PACMAN Partylist Rep. Enrico Pineda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdedeklara nito sa November 2, December 24 at December 31 na special working holidays.

Ayon kay Pineda, ang proklamasyon na ideklarang special working holidays ang mga nabanggit na petsa ay hindi nangangahulugan na makakatanggap rin ng kaparehong benepisyo ang mga manggagawa.

Hindi tulad noong special non-working holiday pa ang Nov 23, Dec. 24 at 31, sa ilalim ng special working day ay hindi na makukuha ng mga empleyado ang itinatakdang benepisyo na dagdag na 30% sa kanilang regular na daily wage kahit pa pasukan nila ang naturang mga petsa.


Bagama’t batid ni Pineda ang wisdom at prerogative ng Pangulo, ipinaaabot naman ng kongresista ang sentimyento ng publiko na makasama ang pamilya sa mga mahahalagang araw o okasyon sa bansa.

Ipinauubaya naman ng mambabatas sa mga pribadong kompanya kung ang mga nasabing petsa ay idedeklarang special non-working para makasama ng mga empleyado ang kanilang mga pamilya sa holiday.

Facebook Comments