Paggunita sa Undas sa NCR, nananatiling ‘generally peaceful’ – NCRPO

Nananatiling generally peaceful ang paggunita ng Undas sa Metro Manila.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Lt. Col. Dexter Versola, maayos na nakalatag ang seguridad ng pulisya sa mga sementeryo.

Gayunman, aminado si Versola na may mga nahuli pa rin silang ilang pasaway na nag-iinuman sa loob ng Manila Memorial Park sa Parañaque at isa na nagtangkang magpasok ng baril.


Nakasuhan na ang mga ito ayon kay Versola.

Nasa higit 10,000 mga pulis ang ipinakalat sa NCR upang masigurong magiging mapayapa ang pagdaraos ng Undas.

Facebook Comments