Fortun, magsasagawa pa ng mga test sa mga labi ni Villamor

Plano ng forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun na magsagawa ng marami pang test sa labi ng middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Noong nakaraang linggo nang magsagawa ng ikalawa at independent autopsy sa katawan ni Jun Villamor si Dr. Fortun.

Lumabas sa otopsiya na namatay sa Bilibid si Villamor sa asphyxia bunsod ng plastic bag suffocation.


Taliwas ito sa resulta ng unang otopsiya na inilabas ng Bureau of Corrections kung saan walang nakitang senyales ng physical external injuries sa mga labi ni Villamor na nangangahulugang walang foul play sa pagkamatay nito.

Samantala, noong Sabado, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na nasa kustodiya na nila ang pitong indibidwal na nagsabing planado ang pagkamatay ng middleman.

Facebook Comments