Paghahain ng petisyon ni Michael Yang sa SC, panglilihis lang – Gordon

Tinawag ni Senador Richard Gordon na desperadong hakbang ang paghahain ng petisyon sa Korte Suprema ng dating Presidential Economic Adviser na si Michael Yang na nagpapawalang bisa sa kaniyang arrest warrant at lookout bulletin.

Ayon kay Gordon, ang hakbang na ito ni Yang ay paglilihis sa ginagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa kwestyunableng pagbili ng pamahalaan ng pandemic supplies.

Aniya, ilang beses na ring nagsinungaling si Yang sa Senado gaya ng hindi nito pagsasabi sa kaniyang lokasyon at hindi pagbabayad ng buwis.


Iginiit pa ni Gordon na natatakot na si Yang na lumabas ng bahay matapos mahuli sina Lincoln Ong at ang magkapatid na Dargani na mga opisyal ng Pharmally.

Samantala, bigong makadalo ngayong araw sa ika-15 pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee si Yang dahil sa kaniyang pharyngitis.

Maliban kay Yang, hindi rin nakadalo sa pagdinig si dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao, ilang araw matapos niyang hilingin sa mga mambabatas na muling isaalang-alang ang kanyang arrest order.

Facebook Comments