Paglipad ng kauna-unahang Space Launch System rocket ng NASA sa buwan, susubukan ngayong Linggo

Susubukan ngayong Linggo ng National Aeronautics Space Administration (NASA) na paliparin ang kanilang kauna-unahang Space Launch System (SLS) rocket papuntang buwan.

Ito ay matapos ipagpaliban ang paglipad nito nitong mga nakaraang araw bunsod ng technical issues.

Sa isang press conference, ibinahagi rin ng forecast analyst na si Melody Lavin na maganda rin ang lagay ng panahon sa Kennedy Space Center sa Florida kung saan gaganapin ang lift-off.


Sa kabilang banda, hindi rin isinasantabi ang dalawang oras na delay sa paglipad ng Artemis 1 mission kung kinakailangan.

Kasama sa Artemis 1 mission ang Orion capsule na nakalagay sa itaas ng rocket na siyang bubuno ng 37 araw sa outer space na siyang iikot sa buwan sa layong 100 kiloemtro.

Nakatakdang isagawa ang liftoff dakong 2:17 ng hapon sa Amerika o 2:17 ng madaling araw ng Linggo sa Pilipinas.

Facebook Comments