Pagpapahaba sa paternity leave, isinulong sa Kamara

 

Isinulong ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez, na gawing 15 araw ang paternity leave mula sa kasalukuyang pitong araw na maaring i-avail ng lalaking empleyado anuman ang kanilang employment status.

Nakapaloob ito sa inihain nina Rodriguez na House Bill 9731, na panukalang mag-aamyenda sa Republic Act 8187 o Paternity Leave Act of 1996.

Katwiran ni Rodriguez, 25 taon na ang naturang batas at dapat nang baguhin para maipantay sa Republic Act 11210 o Expanded Maternity Leave na pinalawig sa 105 araw mula sa dating 60-araw.


Sa ilalim ng panukala ni Rodriguez ay aalisin na rin ang limitasyon ng availment ng leave sa apat na deliveries o panganganak kasama ang abortion at miscarriage.

Base sa panukala, ang paternity leave ay puwedeng i-avail ng isang lalaki kahit hindi ito kasal sa kinakasamang babae na manganganak, basta sila ay nagsasama nang hindi bababa sa dalawang taon at walang legal na hadlang sa kanilang pagpapakasal.

Facebook Comments