Agarang pagtugon sa mga hamong maaring kaharapin sa Trasnlacion 2024, tiniyak ng PNP

 

Aminado ang Philippine National Police (PNP) na maraming hamon na maaaring kaharapin sa Pista ng Itim na Nazareno sa Enero 9.

Ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., bunsod na rin ito ng kasabikan ng mga deboto na muling ibalik ang Tradisyunal na Traslacion makalipas ang pandemya.

Marahil ito rin ani Gen. Acorda ang dahilan kung bakit marami ang naging biktima ng firecrackers sa pagsalubong ng 2024.


Matagal aniyang nawala ang mga ganitong Tradisyunal na okasyon kaya tiyak na marami ang naging sabik nang maibalik ito.

Gayunman, nakaantabay na ani Gen. Acorda ang PNP upang agad na maaksyunan ang mga hamon na maaaring kaharapin sa araw ng Traslacion.

Facebook Comments