Inihayag ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson James Jimenez na maituturing na “unconstitutional” ang mungkahing ipagpaliban ang Eleksyon 2022 sa 2025.
Kasunod ito ng isinumiteng petisyon ng the Coalition For Life and Democracy na ipagpaliban ang eleksyon dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Jimenez, maaring lamang itong suspendihin sa maikling panahon at sa mga kondisyon na hindi na malaya at patas ang halalan.
Aniya, walang nakikitang anumang katwiran ang Comelec para ipagpaliban ang eleksyon dahil hindi naman umiiral ang ganitong pamantayan.
Paliwanag pa nito na “problematic” ang naturang petisyon dahil malinaw sa Saligang Batas/ Konstitusyon kung kailan gaganapin ang halalan at walang holdover na probisyon ang konstitusyon patungkol dito.