FDA, nilinaw na Pfizer at Sinovac vaccine pa lang ang extended ang shelf life

Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na tanging Pfizer at Sinovac vaccine pa lamang ang extended ang shelf life.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, Nobyembre pa nakapagsumite ang Pfizer at Sinovac na maamyendahan ang kanilang Emergency Use Authorization para sa extension ng shelf life.

Nagsumite aniya ang mga ito ng data na nagpapakita na magagamit at epektibo ang kanilang bakuna ng ilan pang buwan.


Aniya, ang Pfizer ay may extension ng shelf life na hanggang siyam na buwan habang ang Sinovac ay nasa anim na buwan.

Facebook Comments