Pagpapatuloy sa pamamahagi ng fuel subsidy sa mga PUV driver, pinayagan na ng COMELEC

Inaprubahan na ng Commission on Elections ang petisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na i-exempt ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga public utility drivers ngayong umiiral ang disbursement ban.

Kasunod nito, sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na kinakailangang sumunod ang LTFRB at iba pang mga ahensiya sa guidelines para sa pamamahagi ng fuel subsidy.

Kinakailangan aniyang ilagay ang target na bilang ng mga benepisyaryo at kung sa papaanong paraan ito ipamamahagi.


Noong Lunes, itinigil muna ng LTFRB ang pamamahagi ng fuel subsidy dahil sa spending ban na epektibo mula Marso 25 hanggang Mayo 8.

Samantala, batay sa datos ng ahensiya, nasa mahigit 110,000 benepisyaryo na ang nakatanggap ng P6,500 na fuel subsidy bilang tulong sa gitna ng mataas na presyo ng langis.

Facebook Comments