Pagsasailalim sa RT- PCR test ni Pangulong Marcos, naka-depende sa payo ng kaniyang doktor

Isang linggo munang mag-a- isolate si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mula sa panahong nagpositibo siya sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire alinsunod sa protocol.

Aniya pagkalipas ng pitong araw kapag wala nang nararamdamang sintomas ang pangulo, pwede na itong bumalik sa kaniyang trabaho.


Paliwanag ni Vergeire na batay sa protocol, kung ang isang indibidwal ay may sintomas, sapat na ang antigen test para kumpirmahing positibo nga ito sa sakit, kailangan lamang itong i-monitor.

Pero, prerogative aniya ng pangulo kung ipapayo ng kaniyang doctor na suma ilalim pa ito sa RT -PCR test.

Facebook Comments