DOH officials na nakasalamuha ni Pangulong BBM, hindi na sasailalim sa antigen test

Nilinaw ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na hindi na nila kailangang sumailalim sa antigen test.

Ito ay bagama’t nakipagpulong sila noong Miyerkules kay Pangulong Bongbong Marcos na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Vergeire, base sa kasalukuyang protocol ay hindi na nila kailangang mag-test maliban na lamang kung sila ay asymptomatic.


Gayunman, sinabi ni Vergeire na dahil may meeting sila sa Office of the President ngayong araw, kinailangan nilang sumailalim sa antigen test

Facebook Comments