Nilinaw ng Department of Health na hindi konektado sa UK variant case ang pagtaas ng COVID-19 infections sa Pasay City.
Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, ito ay batay na rin sa kanilang mga ginawang pag-aaral at panayam sa Pasay City Local Government Unit (LGU).
Wala aniya silang nakitang link na mag-uugnay sa pagtaas ng COVID-19 cases sa lungsod.
Sa ngayon ilang lugar sa Pasay ang isinailalim sa lockdown dahil sa mataas na kaso ng virus infection.
Sa kabuuan, umabot na sa 7,704 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod.
Pero 7,073 na ang gumaling habang 435 na lamang ang aktibong kaso.
Facebook Comments