Bagong tatag na Army Brigade sa Sulu, pinagana na

48

May panibagong Army Brigade ang pinagana ng Joint Task Force Sulu bilang dagdag sa kasalukuyang puwersa.

Ayon kay JTF Sulu Commander Maj. Gen. William Gonzales, sa pamamagitan ng bagong brigade mapapalakas pa ang kanilang pwersa para labanan ang terorismo at iba pang criminal activities sa Sulu at mga kalapit lalawigan.


Pinangunahan mismo ni Gonzales ang activation ceremony ng 1103rd Infantry Brigade at si Col. Eugenio Boquio ang itinalagang commander.

Ang 11th Infantry Division na nakabase sa Sulu ay may tatlong army brigade at isang marine brigade.

Ang 1101st Brigade ang nagbibigay seguridad sa southern portion ng 1st District ng Sulu, ang 1102nd Brigade naman ay nakatuon sa Patikul area, at ang 4th Marine Brigade naman ay naka tutok sa buong 2nd District ng Sulu.

Habang pinag-aaralan pa ng militar kung saang lugar sa probinsiya ide-deploy ang bagong tatag na 1103rd Brigade.




Facebook Comments