Nakikita ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagtaas sa demand ng pinoy seafarers abroad.
Kasunod na rin kasi ito ng 89% ng mga cruise ship industry ang bumalik na sa paglalayag kaya patuloy na lumalaki ang pangangailangan sa mga seafarer.
Dahil dito, puspusan ang hiring ng mga manpower agencies ng mga seafarers kung saan aabot sa 7,000 ang kinakailangan nila.
Karamihan sa mga nanunumbalik na cruise ship industries ay mula sa Amerika, Germany, Italy, Australia at United Kingdom.
Tinatayang nasa 800 US Dollars o katumbas ng halos 45,000 pesos ang karaniwang starting salary kada buwan basta may job experience na may kinalaman sa food and beverage at hospitality.
Wala na ring kinakailangan na quarantine period bago sumampa sa barko pero kinakailangan na fully vaccinated at isang booster shot kontra COVID-19 ang applicant.
Kaya tiniyak ng DMW na tutulungan nila ang mga manning agencies sa pagpapabilis ng proseso ng mga dokumento ng mga manggagawa habang sinisiguro rin ang kanilang employment contracts.