James Reid, sinurpresa ang mga netizens sa kaniyang bagong hairstyle

270

Sinurpresa ng aktor na si James Reid ang kaniyang mga fans kahapon sa social media matapos itong ipakita ang kaniyang bagong hairstyle.

Sa kaniyang Instagram ay ipinakita nito ang isang video ng kaniyang blonde hair mula sa kaniyang pagkakagising.

Hindi naman ito nakaligtas sa pagpuna ng ilang netizens at binansagan siyang “James Blonde”.


Ngunit karamihan sa mga ito ay napansin na kahalintulad ito sa buhok ng member ng KPOP girl group na Momoland na si Nancy McDonie.

Mababatid na naging hot topic ang dalawa matapos makitang magkasama.

Facebook Comments