Pakikipag-partner sa pribadong sektor, nakikita ni PBBM na dapat pang palawakin

Mahalaga ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na mapalakas pa ang collaboration sa private institution sa harap nang aniya’y kasalukuyang kaganapan sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Sa pagsasalita ni Pangulong Marcos sa closing ng 10th ASEAN-EU Business Summit, inihayag nitong may pangangailangang makipag-tulungan sa private institution ang pampublikong sektor lalo na sa post-pandemic economic recovery na ang sitwasyon gaya ng kinakaharap ng ASEAN member states.

Maliban pa aniya d’yan ang may kinalaman patungkol sa iba pang hamon gaya ng geopolitical tension, problema sa supply side, at pagtaas sa presyo ng pagkain.


Samantla, inihayag naman ng Punong Ehekutibo na ang ginagawang review ng kasalukuyang trade agreements at mga inisyatibo ng ASEAN para mapabilis ang trade of essential goods ay nagpapakita lamang na ang nagkakaisa ang rehiyon sa patahak sa iisang direksiyon upang mapanatili ang open, free at fair trade.

Umaasa rin si Pangulong Marcos na sa katatapos lang na ASEAN-EU Business Summit ay magbibigay ito ng mas sustainable trade and investment at magpapabilis sa implementasyon ng European Union’s Indo-Pacific Strategy.

Facebook Comments