Marcos administration striktong susundin sa loob ng tatlong buwan ang EU standard para maresolba ang problema ng mga Filipino seafarers

Magko-comply ang Marcos administration sa standards ng European Maritime Safety Agency (EMSA) sa loob ng tatlong buwan para matapos na ang problema ng maritime industry ng Pilipinas.

Sa press conference sa ASEAN-EU Commemorative Summit sa Brussel, Belgium sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na prayoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang isyung ito ng mga Pilipinong marino.

Aniya pa, may sense of urgency ang pagtalakay sa problemang ito at umaasa raw ang pangulo na maiaangat ang educational system para sa maritime industry.


Sa ngayon, ayon sa house speaker, nawala na ang pagiging competitive ng maritime industry kaya kailangan itong pagtuunan nang pansin.

Sinabi pa nito na ngayon ay mayroong nakabinbin na panukalang batas sa House of Representatives.

Ito ay ang panukalang Maritime Education and Training Act, na naglalayong magkaroon ng modern maritime education and training regime at suportahan ang pangangailangan ng maritime students at professionals.

Una nang inutos ng pangulo ang pagbuo ng advisory board para matutukan ang kakulagan na inilahad ng European sa usapin ng edukasyon, training at certification system.

Sa pagpupulong ng pangulo sa International Maritime Employers and Shipowners sa Brussels, tiniyak ng pangulo na inaayos na nang gobyerno ng Pilipinas ang isyu sa certification issues ng Filipino seafarers na nakabatay sa Standards of Training, Certification, and Watchkeeping (STCW) Convention.

Facebook Comments