Pakinabang at kita sa mga reclamation projects, dapat gobyerno ang makinabang – Sen. Poe

Pinatitiyak ni Senator Grace Poe na economic team ng administrasyong Marcos na gobyerno ang dapat na makikinabang sa mga reclamation projects sa Manila Bay.

Sa budget briefing sa Senado, hinihingi ni Poe sa mga economic managers ang potensyal na kikitain ng pamahalaan mula sa mga reclamation projects.

Iginiit ni Poe na dahil ang Manila Bay ay asset ng Pilipinas, dapat matiyak na pumapasok sa national treasury ang kita para magamit sa mga programa at serbisyo para sa mamamayan.


Sa impormasyon ni Poe nasa 8,000 hectares ang sakop ng mga proyekto sa Manila Bay na kung mababayaran ay magbibigay ng malaking kita sa gobyerno.

Nangako naman si Finance Secretary Benjamin Diokno na pag-aaralan ito at magsusumite ng report sa Mataas na Kapulungan.

Facebook Comments