Mga rider ng iba’t ibang ride-hailing apps, napasaya ng DZXL Radyo Trabaho

 

This slideshow requires JavaScript.

Todo pasasalamat ang mga rider ng iba’t ibang ride hailing app sa sorpresang hatid ng DZXL 558 Radyo Trabaho.

Ito’y sa ikinasang DZXL RT Dikit Tayo Campaign sa San Juan City.


Ito na ang huling araw ng Dikit Tayo Campaign kung saan una tayong nagtungo sa Pasig City at Mandaluyong City.

Sa kabuuan, nasa 45 rider mula sa Angkas, JoyRide, Move It, Lalamove, Food Panda, Toktok at Grab.

Bawat isa sa kanila ay nadikitan ng DZXL Radyo Trabaho Stickers bukod pa sa regalong bigas, wall clock at iba pang exclusive items.

Ang nasabing Dikit Tayo Campaign ay isang paraan ng DZXL Radyo Trabaho para mabigya ng kasiyahan ang mga rider na tuloy sa pagsabak ng trabaho sa kabila ng pabago-bagong lagay ng panahon.

Facebook Comments