Papalitan agad ng pamahalaan ang hindi bababa sa 100, 000 doses ng COVID-19 vaccines na naapektuhan ng sunog na naganap sa isang pasilidad sa Zamboanga del Sur, noong Linggo ng gabi.
Damay sa sunog ang Provincial Health Office at cold chain storage facility ng mga bakuna.
Ayon kay Presidential SpokespersonSec. Harry Roque, patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang naturang insidente.
Nakakalungkot aniya ang nasabing balita pero gayunpaman, tiniyak nito na agad magpapadala ng kapalit na bakuna ang gobyerno, lalo’t wala namang problema sa COVID vaccine supply ang bansa sa kasalukuyan.
Ilan lamang sa mga bakunang naapektuhan ay AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Sinovac, at Iba pa.
Facebook Comments