Pamahalaan, pinaglalatag ng mga hakbang para protektahan ang mga abogado at mga hukom sa bansa

Hiniling ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate sa Kataas-taasang Hukuman at sa pamahalaan na maglatag ng tiyak na hakbang at reporma na magbibigay proteksyon sa mga abogado at mga hukom.

Umaasa si Zarate na ang pagbibigay pahayag at pagkondena ng Supreme Court laban sa mga pag-atake sa mga abogado, hukom at mahistrado ang daan para matigil ang ‘state of impunity’ na namamayagpag sa bansa.

Naniniwala rin ang kongresista na ito ang magiging daan para panindigan at maprotektahan din ang karapatan ng mga karaniwang tao.


Mababatid na nagkaisa ang 15 members ng Supreme Court para kondenahin ang pagpatay at pananakot sa mga abogado at mga hukom.

Iginiit ng Judiciary na hindi na nila mapapayagan ang kultura ng takot sa isang sibilisadong lipunan kaya naman naglatag sila ng mga aksyon para matigil na ang ganitong pagbabanta sa kanilang mga tauhan.

Facebook Comments