Pamamahagi ng fuel subsidy para sa PUVs, dapat madaliin ng gobyerno

Iginiit ni Senator Grace Poe na walang oras na dapat sayangin ang gobyerno sa pamamahagi ng fuel subsidy sa mga drivers at operators ng Public Utility Vehicle o PUVs sa harap ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis.

Ikinalungkot ni Poe ang impormasyon na hindi pa rin nakakatanggap ng ayuda ang mga tricycle drivers at iba pang PUV drivers at operators, kahit nakapagbukas na sila ng e-wallet accounts.

Hiling ni Poe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), resolbahin ang lahat ng balakid sa pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga benepisaryo sa panig ng pampublikong transportasyon.


Diin ni Poe, hindi dapat pinaghihintay ang mamamayan na lubos ngayong nangangailangan ng tulong.

Umaasa rin si Poe na mas maraming drivers ang kukunin ng pamahalaan para sa Service Contracting Program na nagbibigay ng libreng sakay sa publiko.

Facebook Comments