Ilang opisyal ng COMELEC, nanguna sa unang araw ng local absentee voting

59

Ilang opisyal ng Commission on Election (COMELEC) ang nakaboto na sa pagsisimula ng local absentee voting ngayong araw.

Kabilang sa lumahok kanina sa local absentee voting sina COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan at Commissioner Aimee Neri.

Si Chairman Pangarungan ay rehistradong botante sa Marawi City, Lanao del Sur habang si Commissioner Neri ay registered voter sa Cagayan de Oro.


Hindi naman nakapagparehistro bilang local absentee voters sina Commissioners Rey Bulay at Aimee Ferolino.

Kabilang naman sa rehistradong local absentee voters sina Commissioners Socorro Inting at Marlon Casquejo.

Facebook Comments