Pamunuan ng SMC, humingi ng tawad sa mga biktima ng aksidente sa Skyway Extension Project sa Muntinlupa

103

Humingi na ng tawad ang San Miguel Corporations (SMC) sa mga biktima ng nangyaring aksidente sa isang parte ng ginagawang Skyway Extension Project sa Muntinlupa.

Ito ay matapos aksidenteng bumagsak ang isang steel girder sa mga dumaraang motorista kahapon, Nobyembre 21, 2020.


Base sa inilabas na pahayag, sinabi ni SMC President at Chief Operating Officer Ramon Ang na prayoridad nilang tulungan ang mga biktima at kanilang pamilyang naapektuhan ng nasabing aksidente.

Ipinaabot din nito ang kanilang pakikiramay sa pamilya ng isang nasawi.

Matatandaang nauna nang sinabi ng pamunuan ng SMC magsasagawa sila ng imbestigasyon tungkol sa nangyaring trahedya na nagdulot ng pagkamatay ng isang motorista at 4 na sugatan.

Facebook Comments