Magka-angkas sa Motorsiklo, Patay Matapos Sumalpok sa Sasakyan

36

*Cauayan City, Isabela- *Patay ang dalawang magka-angkas sa motorsiklo matapos bumangga sa kasalubong na sasakyan sa kahabaan ng Brgy. San Miguel, Luna, Isabela.

Kinilala ang nasawi na drayber ng motorsiklo na walang plaka na si Christian Cloyd Lopez, 33 taong gulang, may-asawa at ang kanyang backrider na si Roderick Aquino, 34 taong gulang, may-asawa, parehong construction worker at kapwa residente ng Brgy Centro 2, Luna, Isabela.


Sa inisyal na pagsisiyasat ng Luna Police Station, pasado ala una ng hapon, November 22, 2020, bumabaybay sa kalsada ang dalawang mag-angkas patungong South direction at nang sila’y makarating sa pinangyarihan ng insidente ay umagaw sa kabilang linya ang motorsiklo.

Sumalpok ang motorsiklo sa kasalubong na sasakyan na may plakang DCP 4303 na minamaneho ni Reymund Collado, 21 taong gulang, binata, residente ng brgy. Ditsrict 1, Benito Soliven, Isabela kasama ang pahinante na kinilalang si Zoilo Angelo Sawi, 28 taong gulang, walang asawa at residente ng brgy Nungnungan 1, Cauayan City, Isabela.

Dahil sa tindi ng pagkasalpok ng motorsiklo sa sasakyan, nagtamo ng malalang pinsala sa katawan ang drayber ng motorsiklo na sanhi ng kanyang agarang pagakamatay.

Dinala naman sa pagamutan ang angkas nito subalit binawian din ng buhay.




Hindi naman nasaktan ang drayber at helper ng sasakyan na nasa kustodiya ng Luna Police Station maging ang kanilang minamanehong sasakyan at sangkot na motorsiklo para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments