Pangulong Duterte, magpapatawag ng huling cabinet meeting bago ang kaniyang pagbaba sa pwesto

Magpapatawag si Pangulong Rodrigo Duterte ng huling cabinet meeting para pormal na magpaalam bago siya tuluyang bumaba sa pwesto sa Hunyo.

Sa naging pulong ng pangulo sa Davao, ipinahayag ni Duterte ang kanyang pasasalamat sa mga miyembro ng kanyang gabinete.

Nauna nang sinabi ni Duterte na naghahanda na siya sa pag-alis sa Malacañang para mapadali ang transisyon ng kanyang kapalit pagkatapos ng halalan.


“Salamat and it has been a very exhilarating atmosphere joining you in government. Salamat. Magkita-kita pa rin tayo. Yung Cabinet, will be the last meeting just to say hello and goodbye,” ani Duterte

Sinabi naman ni acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na patuloy pa ring magsasagawa ng cabinet meeting ang pangulo dahil mayroon pa itong “unfinished business.”

“Palagay ko hindi pa, tuloy-tuloy siya magta-trabaho. Marami siyang unfinished business tulad ng NTF-ELCAC, pagbangon sa negative effects ng COVID-19, pagkakaroon ng clean, fair and honest elections.”

Facebook Comments