Grupo ng mga magsasaka, nanawagan na ilabas ang pangalan ng mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa smuggling

81

Nananawagan ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa Department of Agriculture (DA) na ilabas ang pangalan ng mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa smuggling.

Ayon kay SINAG Chairman Rosendo So, masakit para sa mga magsasaka na ang pagkakaroon ng smuggling dahil ito ang pumapatay sa sektor ng agrikultura at may protektor pa na matataas na opisyal ng pamahalaan.

Matatandaang inihayag ni DA Asec. Federico Laciste Jr. sa pagdinig sa Senado na may mataas na pulitiko na sangkot sa smuggling ngunit tumanggi itong isapubliko ang mga pangalan at sinabing ibibigay niya ito sa isang executive session.


Samantala, sinabi naman ng grupong SINAG na hindi na kailangan pa ng bagong batas upang masawata ang smuggling sa bansa.

Facebook Comments